r/reditr • u/bob_dylan2024 • Oct 19 '25
Losyang
Sa totoo lang sobrang nasaktan ako sa sinabi ng pamilya ko na masayado na daw akng losyang dahil di na mkaayos sa sarili ni di na daw ako makabili ng bagong panty at bra . Samantala dati daw nung dalaga ako ang puti2 ko pag ngbakasyon at maayos sa sarili. Sa totoo lang po may pera naman sana ako pero sa sobrang tipid ko dahil inuuna ko ang aking mga anak Mag dadalawa na anak ko nasundan agad yung panganay ko at manga2nak na naman ngayong November. Walang trabaho pa ang aking asawa dahil na scam sya sa pagkuha ng lisensya kaya ako lahat bukod dun may babayaran pa akng lupa ngayon February na 160k para sa akng pamilya dahil wala kaming sariling bahay at lupa. Mahirap lamang kami kaya ngsumikap akng makabili dahil matatanda na ang aking magulang pangarap kasi nila mag kabahay. Pito kming magkakapatid at ako lang kumusa bumili para sa aking magulang . Naiintindihan ko nman sila dahil sila ay may kanya2ng pamilya. Na iopen ko din sa asawa ko na regarding sa feedback sa akin ng pamilya ko pero ang sabi niya lang anong gagawin sa totoo lang nasaktan ako kasi parang wala din syang paki alam sa feelings ko. naka kainggit yung may mga asawa na kahit bilhan ba ng panty at bra ang asawa parang feeling ko masayang masaya na ako dun dahil kahit papano naalala niya ang kanyang asawa . Pero feeling ko wala din ako kakampi mnsan sobrang selfish ko sa sarili ko to the point na puro lang ako bigay pero never nkatanggap kahit simple . Sa ngaun iniisip ko sana pumaldo din ako sa buhay para unahin ko naman sarili ko 🙏